Higit 709,000 naaresto sa paglabag sa mga ordinansa – NCRPO

By Rhommel Balasbas February 04, 2019 - 04:02 AM

Umabot na sa 709,515 ang mga naaresto matapos lumabag sa mga ordinasa sa Metro Manila simula June 2018 ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, numero uno sa listahan ang mga lumabag sa smoking ban na umabot sa 174,440 o 25 percent ng kabuuang bilang.

Sinundan ito ng 43,391 na menor de edad na lumabag sa curfew hours.

Ikatlo naman sa pinakamaraming lumabag ay ang mga walang damit pang-itaas na umabot sa 39,556 ang violators.

Kabuuang 33,551 naman ang nahuli dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar.

Sinabi naman ni Eleazar 20.8 percent lang sa kabuuang bilang ang pinagmulta habang 65.3 percent ay binalaan lamang.

TAGS: Metro Manila Local Ordinances, National Capital Region Police Office, NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, Metro Manila Local Ordinances, National Capital Region Police Office, NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.