Filipino movie na ‘Distance’ kalahok sa isang film fest sa Amsterdam

By Rhommel Balasbas February 04, 2019 - 12:55 AM

Makikipagtagisan sa 2019 Roze Filmdagen Film Festival in Amsterdam, Netherlands ang pelikulang ‘Distance’ ni Perci Intalan.

Kinumpirma mismo ito ni Intalan sa Inquirer at sinabing lalaban ang kanyang pelikula para sa best feature film award.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Iza Calzado.

Ani Intalan, ‘excited’ na siya sa naturang festival dahil ito ang kauna-unahang LGBT film festival na kanyang lalahukan.

Tatakbo ang film fest mula Marso 14 hanggang 24 at layon nitong itaguyod ang kalidad ng mga pelikulang tungkol sa LGBTQ.

Nauna nang ipinalabas ang ‘Distance’ sa 2018 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival kung saan nanalo ito ng best supporting actress para kay Therese Malvar.

TAGS: 2019 Roze Filmdagen Film Festival, Amsterdam, Distance, Iza Calzado, 2019 Roze Filmdagen Film Festival, Amsterdam, Distance, Iza Calzado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.