Nasa mahigit 5,000 mga taga-Cebu ang nagrally upang magpakita ng suporta sa pagpasok sa Presidential race ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nagsimulang magtipun-tipon ang mga taga-suporta ng alkalde sa University of the Philippines Cebu sa Barangay Lahug sa ilalim ng temang ‘Rock for Federalism’.
Para sa mga ito, ang paghahayag ni Duterte kahapon na seryoso na niyang kinukunsidera ang pagtakbo sa Pampanguluhang halalan ay hudyat na upang isulong ang kandidatura nito ng mga naniniwala sa kakayahan ng alkalde.
Suportado rin ng grupo ang isinusulong na Federal form of government ni Duterte.
Dumating sa okasyon si Sen. Allan Peter Cayetano na inanunsyo sa publiko na sigurado na ang pagtakbo ni Duterte sa pampanguluhang halalan sa 2016.
Si Cayetano ang sinasabing magiging running-mate ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.