123 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Pagadian City
Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Baranggay Kawit sa Pagadian City Linggo ng umaga.
Ayon kay city fire marshall C/Insp. Dionisio Cayudong Jr., umabot sa 110 ang bahay na naabo at tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P1.2 milyon.
Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog na umabot sa ikatlong alarma at naapula alas-12:03 na ng tanghali.
Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil makipot ang entry points papunta sa lugar.
Sugatan ang anim katao na agad namang nabigyang lunas ayon kay Haron Damada Jr. City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Samantala, ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog ay kasalukuyang naglalagi sa covered court ng baranggay.
Nakapagbigay na rin ng tulong sa mga nasunugan ang Pagadian city government ayon kay City Social Welfare and Development Office chief Adora Alivio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.