ALAMIN: Halaga ng rollback sa petrolyo ng mga oil companies
Epektibo na mamayang umaga ang rollback ng iba pang kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo.
Matatandaang noong Sabado ng umaga buena-manong nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng tapyas sa presyo.
Ang Phoenix, at Petro Gazz ay may bawas na P0.65 sa kada litro ng gasolina at P0.35 sa kada litro ng diesel.
Ang Shell at Seaoil naman ay may kaparehong rollback sa diesel ngunit mas maliit nang kaunti ang bawas-presyo sa gasolina na P0.60 kada litro lamang.
May bawas din ang naturang mga kumpanya na P0.20 sa kada litro ng gaas.
Epektibo ang rollback ng Petro Gazz at Sea Oil simula mamayang alas-6:00 ng umaga.
Ang bagong presyo naman ng Shell ay epektibo alas-6:00 ng umaga ng Martes.
Ang pagbaba ng halaga sa petrolyo matapos ay dahil sa pagmura ng imported na langis sa world market.
Inaasahan namang mag-aanunsyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang rollback.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.