Handa na ang Philippine Army units para sa isasagawang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa darating na February 6, araw ng Miyerkules.
Isasagawa ang ikalawang round ng plebisito sa North Cotabato at Lanao del Norte.
Sa isang panayam, sinabi ni 6th Infanrty Division spokesperson Maj. Arvin John Encinas na wala silang natatanggap na impormasyon na mayroong banta sa plebisito sa North Cotabato.
Ayon naman kay Western Mindanao Command (Westmincom) spokesman Col. Gerry Besana, nakatutok na ang mga tropa ng pamahalaan sa Lanao Del Norte para matiyak ang ligtas na pagdaraos ng BOL plebiscite.
Sinabi pa ni Besana na binabantayan ng Westmincom ang galaw ng mga Maute-ISIS na nananatiling banta sa ilang lugar sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES