Isang barko sa Zamboanga City, nasunog

Natupok ng apoy ang ML NS Express sa Petron Private Wharf sa Baliwasan Sea-sea, Zamboanga city.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Captain Armand Balilo, wala namang naiulat na nasawi sa insidente.

Nabatid na sakay ng barko ang mga tangke ng liquified petroleum gas (LPG).

Inaalam na aniya ng PCG ang ulat na sumabog ang mga tangke ng LPG bago naganap ang sunog.

Read more...