Nakabalik na sa paglalaro si Golden State Warriors shooting guard Klay Thompson.
Naka-miss ng isang laro si Thompson matapos magkaroon ng sakit.
Nakapagtala ng 28 points si Thompson dahilan para mapanalo ang Warriors kontra sa Los Angeles Lakers sa iskor na 115-101.
Umarangkada rin sa laro sina Andre Iguodala at Kevin Durant para sa GSW.
Naging mailap naman si NBA Superstar Stephen Curry na makapuntos makaraang hindi maipasok ang kaniyang unang walong tira matapos ang layup sa huling anim na minuto ng laro. Gayunman, nakapag-ambag pa rin ito ng 14 points para sa Warriors.
Samantala, muling nahirapan ang Lakers na maiangat ang koponan dahil sa pagkawala ni Lebron James.
Iniindi pa rin kasi ni James ang tinamo nitong strained left groin.