8 patay, 10 sugatan engkwentro sa Maguindanao

February 03, 2019 - 04:12 PM

Patay ang walong miyembro ng Daulah Islamiyah habang 10 iba pa ang nasugatan matapos makubkob ng militar ang kanilang kampo sa Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Cirilito Sobejana, kabilang sa mga nagkakampo sa BIFF ang dalawang Indonesian, dalawang Middle Eastern looking men at isang Singaporean.

Namataan din sa kampo si Abu Toraype na lider ng grupo.

Sugatan naman sa insidente ang sub commander ng Daulah Islamiyah na si Salahudin Hassan na kabilang sa Toraype group.

Ayon kay Sobejana, inaalam pa ng kanilang hanay kung kasama sa mga natamaan ng fa50 ang mga dayuhan.

TAGS: Daulah Islamiyah, maguindanao, Militar, Daulah Islamiyah, maguindanao, Militar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.