Josh Groban, magbabalik-Pinas para sa concert tour sa Pebrero

Excited na ang sikat na singer na si Josh Groban na bumalik sa Maynila matapos ang 11 taon.

Balik-bansa si Groban para sa Josh Groban Bridged Tour Live in Manila sa February 22 sa Mall of Asia Arena.

Makakasama ni Groban sa concert si Lea Salonga, ABS-CBN Philharmonic Orchestra at ang Ateneo Chamber Singers.

Humihingi rin ng pang-unawa si Groban sa kanyang mga fans dahil natagalan ang kanyang pag-concert muli sa Pilipinas.

Taong 2007 nang huling mag-concert sa Pilipinas si Groban.

Nangako pa si Groban na susulitin at bibigyan niya ng magandang concert ang kanyang mga fans sa Pilipinas.

Read more...