MILF, itinuro ang ASG na responsable sa Jolo bombing
By Chona Yu February 03, 2019 - 12:27 PM
Itinuturo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Abu Sayyaf Group (ASG) na pangunahing suspek sa pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ayon kay MILF chairman Al Haj Murad Ebrahim, purong terroristic activity ang naganap na pagsabog sa Jolo.
Dagdag ni Murad, walang koneksyon sa katatapos na plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL )ang pagsabog sa Jolo.
Sinabi pa ni Murad na base sa ginagawa nilang imbestigasyon ang ASG ang responsable sa pagpapasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.