Higit 3,000 Kristiyano, Muslim nakiisa sa solidarity walk sa QC
Mahigit-kumulang 3,000 Kristiyano at Muslim ang nakiisa sa isinagawang Solidarity Walk sa Quezon City, Linggo ng umaga.
Ito ay para pakita ang pagkakaisa sa pagkondena sa dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong nakaraang linggo.
Nagsimula ang solidarity walk sa East Avenue kung saan 2,000 Kristiyano ang lumahok habang sa Philcoa naman ay mayroong 1,000 Muslim.
Matapos ang martsa, nagsalubong ang dalawang grupo sa Quezon Memorial Circle kung saan nagkapit-kamay at nagbigay ng yakap sa bawat isa.
May tema ang programa na “Lakas Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Karahasan.”
Samantala, pansamantalang isinara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Elliptical Road para bigyang-daan ang programa.
Ikinalat din ang mga pulis at sundalo sa solidarity walk para matiyak ang seguridad sa lugar.
Dumalo naman sa pagtitipon sina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace president Datu Basher Bong Alonto at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.