Ayon sa Santo Papa, dapat na tiyaking mabibigyan ng dignidad ang mga sanggol oras na isinalang na sa mundo.
Ginawa ng Santo Papa ang panawagan sa Vatican sa harap ng Italian Catholic anti-abortion group.
Pinuri ng Santo Papa ang naturang grupo kasabay ng pagbibigay-payo na dapat na tiyaking hindi lamang dignidad ang ipagkaloob sa mga sanggol kundi dapat ding tiyakin na mabibigyan ng maayos na kalusugan, edukasyon at trabaho.
Hinikayat din ng Santo Papa ang mga pulitiko na isulong ang common good lalo’t ang kabataan ang pag-asa ng kinabukasan.
Dismayado ang Santo Papa sa dami ng kaso ng patayan sa iba’t ibang panig ng mundo.