Pope Francis sa mga pulitiko: Isulong ang karapatan ng mga sanggol na hindi pa isinisilang
Hinikayat ni Pope Francis ang mga pulitiko sa buong mundo na isulong at pangalagaan ang karapatan ng mga unborn o sanggol na hindi pa isinisilang.
Ayon sa Santo Papa, dapat na tiyaking mabibigyan ng dignidad ang mga sanggol oras na isinalang na sa mundo.
Ginawa ng Santo Papa ang panawagan sa Vatican sa harap ng Italian Catholic anti-abortion group.
Pinuri ng Santo Papa ang naturang grupo kasabay ng pagbibigay-payo na dapat na tiyaking hindi lamang dignidad ang ipagkaloob sa mga sanggol kundi dapat ding tiyakin na mabibigyan ng maayos na kalusugan, edukasyon at trabaho.
Hinikayat din ng Santo Papa ang mga pulitiko na isulong ang common good lalo’t ang kabataan ang pag-asa ng kinabukasan.
Dismayado ang Santo Papa sa dami ng kaso ng patayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.