6 na Metro Manila mayors, suportado ang Manila Bay rehab
Nakipagpulong sina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Año sa anim na alkalde ng Metro Manila para sa rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim, dumalo sina Cimatu at Año sa isinagawang pulong ng Metro Manila Council noong Huwebes (January 31).
Natalakay aniya ang mga plano kung paano maibabalik ang ganda at kalinisan ng Manila Bay.
Kabilang sa mga alkalde na suportado ang proyekto ay sina Parañaque Mayor Edwin Olivarez, Navotas Mayor John Reynald Tiangco, Valenzuela Mayor Rexlon Gatchalian, Las Piñas Mayor Imelda Aguilar, Pasig Mayor Robert Eusebio at Pateros Mayor Miguel Ponce III.
Nangako naman ang mga nabanggit na alkalde na makikiisa sa paglilinis ng mga kanal na konektado sa Pasig River at Manila Bay na unang bahagi ng rehabilitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.