Amihan patuloy na nakakaapekto sa buong bansa
Patuloy na nararamdaman ang malamig na panahon dahil sa pag-ihip ng Hanging Amihan sa buong bansa.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, walang namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Ngayong araw, dahil sa epekto ng Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Bicol Region, mga lalawigan ng Aurora at Quezon, Eastern Visayas at buong Mindanao.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Nakataas naman ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga sumusunod na baybaying dagat:
- eastern coast ng Cagayan
- Isabela
- Aurora
- Camarines Provinces
- Catanduanes
- eastern coast ng Albay
- Sorsogon
- Quezon kasama ang Polillo Island
- at Northern at Eastern Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.