NLEX nagtala ng ikalawang sunod na panalo sa PBA Cup

Nagtala ng ikalawang sunod na panalo ang NLEX matapos maungusan ang Meralco sa iskor na 87-83 sa 2019 PBA Philippine Cup araw ng Sabado sa Ynares Antipolo.

Lamang ng isang puntos ang Road Warriors sa iskor na 77-76 sa huling limang minuto ng laban bago magbrown out.

Nahinto ng higit 10 minuto ang laro ng dalawang koponan.

Nang magbalik ang kuryente, nagawa pang ipantay ng Bolts ang laban sa iskor na 83-83 matapos ang triple ni Ranidel de Ocampo sa natitirang halos dalawang minuto.

Gayunman, dahil sa apat na sunod na freethrows ay naselyuhan ng NLEX ang laban at umuwing panalo.

Pinangunahan ni JR Quinahan ang NLEX sa kanyang 16 puntos habang malaki ang naitulong ni Kevin Alas sa kanyang 12 points at six boards.

Dahil dito, gumanda ang scorecard ng NLEX sa 2-3 at ngayon ay kahanay na sa standings ang Meralco, San Miguel at TNT.

Read more...