Miss Universe Vietnam H’hen Nie ‘stunning’ sa kanyang baro’t saya

By Rhommel Balasbas February 03, 2019 - 05:47 AM

Sinusulit ni 2018 Miss Universe Vietnam H’hen Nie ang kanyang bakasyon sa bansa.

Tumatak sa Filipino pageant fans ang kwento ng buhay ng beauty queen sa pagsabak nito sa Miss Universe.

Sa kanyang bakasyon ngayon sa bansa, maraming sinusubukang gawin si Nie na may kinalaman sa kulturang Filipino.

Ibinahagi niya sa Instagram ang larawan suot-suot ang baro’t saya.

Sa kanyang caption sinabi ng beauty queen na gandang-ganda siya sa kanyang suot.

Umani ng samu’t saring papuri si Nie sa naturang larawan kung saan karamihan ay nagsabing bagay na bagay sa kanya ang baro’t saya.

Sa ngayon ay mayroon ng higit 56,000 likes ang IG photo ng beauty queen.

Sa Twitter naman, ibinahagi ni Nie ang pagkain niya ng ‘Tuyo’ o dried fish sa isang restaurant sa loob ng Mall sa Pasay.

Paborito niya anya ang Tuyo na kinakain din sa kanyang bayan sa Vietnam.

Giit ni Nie kaya niyang kumain ng isang bowl ng kanin na ang ulam ay iisang pirasong Tuyo lamang.

Sa isa pang kahiwalay na post sa Instagram, ibinahagi naman ni Nie ang kanyang larawan kasama si Miss Universe Philippines 2010 Venus Raj.

Parehong may suot na Filipiniana ang dalawa.

Nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe 2018 si Nie kung saan ang nag-uwi ng korona ay ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray.

TAGS: 2018 Miss Universe Vietnam H’hen Nie, Miss Universe Vietnam 2018, 2018 Miss Universe Vietnam H’hen Nie, Miss Universe Vietnam 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.