Matanda, arestado sa pamamaril sa kapitbahay sa Marikina

By Rhommel Balasbas February 03, 2019 - 01:27 AM

Credit: Marikina City Police

Inaresto ang isang matandang lalaki matapos nitong pagbabarilin ang kanyang kapitbahay sa Barangay Barangka, Marikina City araw ng Sabado.

Nakilala ang suspek na si Alfonso Cabasag, 73 anyos, isang retiradong empleyado ng Social Security System (SSS).

Lumabas sa imbestigasyon na mayroon nang dating alitan ang suspek at ang biktimang nakilalang si Romeo Caligagan, 61 anyos.

Nagkaroon muli ng sagutan at hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Pumasok sa kanyang bahay ang suspek at lumabas na may dala ng baril saka pinaputukan ng dalawang beses ang biktima.

Agad na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center si Caligagan na patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Credit: Marikina City Police

Si Cabasag naman ay inaresto ng mga pulis at nakuha mula sa kanya ang isang 9mm caliber na baril at dalawang magazines na naglalaman ng 15 bala.

Nakakulong ngayon ang suspek at nahaharap sa mga kasong frustrated murder, paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of firearm and Ammunition at illegal discharge of firearm kaugnay ng Omnibus Election Code.

TAGS: alitan, illegal discharge of firearm, Illegal Possession of firearm and Ammunition, Marikina, Omnibus election code, Social Security System, sss, alitan, illegal discharge of firearm, Illegal Possession of firearm and Ammunition, Marikina, Omnibus election code, Social Security System, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.