Eastern Petroleum, may dagdag-presyo sa LPG
Nag-anunsyo ang Eastern Petroleum ng dagdag-presyo sa kanilang liquified petroleum gas (LPG) epektibo simula mamayang alas-6:00 ng umaga.
Ayon sa kumpanya, ang kanilang EC Gas LPG ay may dagdag na P3.40 kada kilo o P37.40 sa kada 11-kilong tangke.
Ang taas-presyo ay bunsod umano ng pinagsamang epekto ng pagtaas sa contract price at pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng TRAIN law.
Nauna nang nagpatupad ng taas-presyo sa cooking gas ang mga kumpanyang Petron at Solane noong araw ng Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.