Año: Pagsabog sa Jolo, layong pasiklabin ang “religious war”

By Len Montaño February 03, 2019 - 12:38 AM

Ang magkasunod na pagsabog sa cathedral sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 22 kato at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa ay isang tangka para simulan ang “religious war” sa Pilipinas ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Pero ayon kay Año, kinukumpirma nila ang naturang impormasyon kasunod ng una nitong pahayag na base sa intelligence report ay Indonesian suicide bombers sa ilalim ng Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pagbobomba.

Binanggit ng kalihim ang dalawang pares ng paa na narekober na walang nagki-claim at walang identity kaya posibleng sa suicide bombers ang mga ito.

Tutulong anya ang Indonesian government para makilala ang sinasabing mga suicide bombers.

Paliwanag ni Año, may mga source sila sa loob ng organisasyon, may na-interview na mga hostage na hawak ng grupo na ngayon ay nakalaya na at ang nangyari sa Jolo ang nagkumpirma na suicide bombing ang nangyari.

Gayunman, kinukumpirma pa anya ang anggulo na ang pagsabog sa simbahan ay ginawa ng mga dayuhan na may intensyong pasiklabin ang hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.

Kaya anya piniling pasabugin ang simbahan ay para pag-awayin ang mga Kristiyano at Muslim.

TAGS: Interior Secretary Eduardo Año, Jolo Blasts, Jolo Cathedral, Jolo twin blasts, Kristiyano, muslim, religious war, Interior Secretary Eduardo Año, Jolo Blasts, Jolo Cathedral, Jolo twin blasts, Kristiyano, muslim, religious war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.