DOH, magsasagawa ng malawakang pagbakuna dahil sa pagdami ng nagka-tigdas
Magsasagawa ang Department of Health (DOH) ng malawakang immunization sa gitna ng dumaraming kaso ng tigdas.
Ayon kay Health Undersecretary Rolando Domingo, layon ng hakbang na maprotektahan ang mga komunidad laban sa tigdas.
Sa buong taon anya ay magkakaroon ng massive immunization sa buong bansa, sa lahat ng mga bata at sa mga lugar na mayroong measles cases.
Ito anya ay supplementary immunization activities bilang proteksyon laban sa naturang sakit.
Iginiit ni Domingo na sa kabila ng nabawasang tiwala ng mga magulang sa mga bakuna dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia, gagawin lahat ng ahensya para maprotektahan ang publiko sa mga sakit kabilang ang tigdas.
Ayon sa opisyal, gaya sa nakalipas na taon, mahigit 20,000 kaso ng tigdas ang naiulat, 4 na beses na mataas sa report noong 2017.
Ayaw anya ng DOH na maulit ito kaya kailangan na bakunahan uli ang mga bata.
Sinabi ni Domingo na ang mga bata ay taunang naka-schedule para sa bakuna pero patuloy na target ng ahensya na masakop ang mas marami pang lugar kaysa sa nakalipas na mga taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.