Militar, naglunsad ng air strikes laban sa mga rebelde sa Maguindanao

By Len Montaño February 02, 2019 - 10:43 PM

Naglunsad ang militar ng air strikes laban sa pro-Islamic State (IS) rebels sa Maguindanao alinsunod sa pina-igting na hakbang laban sa mga militante na nag-ooperate sa probinsya.

Ayon kay Philippine Army 6th Division spokesperson Major Arvin Encinas, dalawang OV-10 planes ang nagbagsak ng walong 250-pounds na mga bomba sa posisyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Sa Barongis.

Sinabi ng mga residente sa kalapit na bayan ng Pigcauayan sa North Cotabato na may nakita silang dalawang FA-50 jets na nagbagsak ng mga bomba sa Liguasan Marsh.

Ayon kay Encinas, nagsimula ang air strikes alas 5:00 Sabado ng umaga matapos na positibong matukoy ng ground troops ang lokasyon ng mga bandido.

Tinamaan anya sa air strikes ang kuta ng mga rebelde.

Samantala, sinabi ni ground military commander Major General Cirilito Sobejana na inilagay sa full alert ang tropa ng gobyerno sa rehiyon kasunod ng intelligence report na 40 dayuhang jihadists ang nakapasok sa lugar.

Ang IS-linked BIFF anya ang nag-ooperate sa rehiyon at sila ang nasa likod ng serye ng pagbobomba sa probinsya.

TAGS: air strikes, bangsamoro islamic freedom fighters, BIFF, FA-50 jets, ISIS, Liguasan Marsh, maguindanao, OV-10 planes, Philippine Army, air strikes, bangsamoro islamic freedom fighters, BIFF, FA-50 jets, ISIS, Liguasan Marsh, maguindanao, OV-10 planes, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.