90 patay, 100 nawawala sa jade mine landslide sa Myanmar

 

Mula sa guideformyanmar.com

Hindi bababa sa 90 katao na ang iniulat na nasawi samantalang mahigit 100 pa ang nawawala sa landslide sa isang jade mine sa northern Myanmar Linggo ng umaga.

Patuloy ang pagtatangkang mailigtas ang iba pang mga biktima ng pagguho ng lupa sa minahan sa Hpakant sa Kachin state.

Karamihan sa mga natabunan ng lupa ay mga scavenger na naghuhukay ng waste materials mula sa minahan ng jade sa pag-asang makakakuha ng mga piraso ng mamahaling bato na kanilang maibebenta.

Gayunman, gumuho ang kanilang binubungkal na lupa na dahilan upang matabunan ang maraming mga scavenger at mga barung-barong ng mga ito.

Read more...