Locsin: Pilipinas, dapat iprotesta ang rescue center ng China sa West Philippine Sea
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat iprotesta ng Pilipinas ang pagtatayo ng China ng maritime rescue center sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands.
Sa kanyang tweet ay sinabi ni Locsin na hindi niya ilalaban pero kanyang ipoprotesta ang konstruksyon ng rescue center sa Kagitingan Reef.
Nais ng kalihim na maghain ang bansa ng protesta sa United Nations General Assembly.
Pabor si Locsin sa posisyon ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na kailangang iprotesta ng bansa ang ginawa ng China.
Posibleng gumawa ang opisyal ng “draft of a compulsory draft” para iprotesta ang aktibidad ng Beijing sa naturang bahura.
Kukumpirmahin anya ng Task Force for the West Philippine Sea ang itinayong rescue center sa nasabing teritoryo.
Una rito ay iniulat ng Xinhua na naglunsad ang China ng martime rescue center sa mga artipisyal na base nito sa Spratlys sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.