Lacson bumuwelta sa paratang na mayroon siyang tagong pork barrel

By Den Macaranas February 02, 2019 - 04:22 PM

Inquirer file photo

Hinamon ni Sen. Ping Lacson si Coop-NATCCO Partylist Rep. Anthony Bravo na maglabas ng mga patunay sa pahayag nito na may secret pork ang senador.

Nauna nang sinabi ni Bravo na mayroong secret amendments sa 2019 proposed national budget na naglalaman ng pork barrel sa ilang mambabatas kasama si Lacson.

Buwelta ni Lacson, isang pathetic assertions ang sinasabi ni Bravo na walang kaukulang basehan.

Hinamon rin ng senador ang lahat ng mga mambabatas na lumantad sa publiko at buksan ang kani-kanilang mga proyekto para magka-alaman na.

Muling inulit ni Lacson na handa siyang magkaroon ng mga kaaway at mawalan ng mga kaibigan basta’t itutuloy niya ang kanyang kampanya kontra sa katiwalian.

Kasama na dito ang paglalantad sa publiko ng mga nakatagong pork sa pambansang budget.

Si Lacson ang nag-iisang mambabatas na nagsabi sa liderato ng kongreso na huwag lagyan ng anumang uri ng insertion ang kanyang tanggapan.

TAGS: bravo, coop-natcco, lacson, pork barrel, senate, bravo, coop-natcco, lacson, pork barrel, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.