CBCP kinastigo sa pagpapalutang ng “no-election” scenario

By Den Macaranas February 02, 2019 - 03:56 PM

Inquirer file photo

Sinabi ng Malacañang na malabo ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na plano ng pamahalaan ang isang “no-election” scenario.

Base anila ito sa pagpupursige ng administrasyon na isulong ang pederalismo.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mismong ang pangulo na nga ang nagsabi na gusto na niyang bumaba sa pwesto dahil sa matinding stress na kanyang pinadadaanan araw-araw sa Malacañang.

Sa susunod na linggo ay sisimulan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan.

Tiniyak na rin ng pangulo ang pagkakaroon ng maayos, tahimik at matinong eleksyon sa Mayo.

Sinabi rin Panelo na nauubusan na ng isyu ang CBCP kaya kung anu-anong mga recycled na usapin na lamang ang kanilang inilulutang laban sa administrasyon.

TAGS: bishops, CBCP, duterte, Malacañang, No-elections, panelo, bishops, CBCP, duterte, Malacañang, No-elections, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.