Pulis patay sa barilan sa Cavite City

By Jimmy Tamayo February 02, 2019 - 10:40 AM

Patay ang isang pulis makaraang barilin ng inaaresto nitong lalaki sa Cavite City Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Joseph Tan na miyembro ng Intelligence Division ng Cavite City Police Station.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro umano ng basketball ang pulis nang manggulo ang suspek na nakilalang si Musanip Palao.

Nilapitan umano ni Tan si Palao para hulihin pero tumakbo ito papalabas ng gym.

Dito na nagkaroon ng habulan na nauwi sa palitan ng putok dahilan para masawi ang suspek.

Tinamaan din ang pulis at naisugod pa sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.

Nakuha kay Palao ang isang Cal. 45 na baril.

TAGS: Cavite City, gunfight, PNP, Cavite City, gunfight, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.