Tinalo ni Canelo Alvarez si Miguel Cotto para makuha ang middleweight title sa laban na ginanap sa Las Vegas, Nevada USA.
Dahil dito, posible nang makalaban ni Alvarez si middleweight champion Gennady Golovkin na nasa ringside lamang para panoorin ang kanilang laban.
Ayon kay Alvarez, saludo siya kay Cotto dahil sa tapang na ipinakita nito sa ring.
Nabatid na tanging si Floyd Mayweather Jr. pa lamang ang nakatatalo kay Alvarez.
Dahil sa pagkapanalo, hawak ngayon ni Alvarez ang record na 46-1.
Matatandaang natalo rin si Cotto ni pambansang kamao Manny Pacquiao noon.
MOST READ
LATEST STORIES