Mga batang may tigdas patuloy na dumarami ayon sa DOH
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga batang may tigdas ang dinadala sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Sa tala ng nasabing pagamutan, umabot na sa 1,249 ang kaso ng tigdas para lamang sa buwan ng Enero at 47 sa mga ito ay may edad tatlong taon pababa.
Sinabi ni San Lanzaro Hospital Spokesman Dr. Ferdinand De Guzman na apat na sa kanilang mga pasyente ang namatay dahil sa kumplikasyon ng pneumonia.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na tumaas ang bilang ng mga batang may tigdas dahil sa takot ng ilang mga magulang na bigyan ng bakuna ang kanilang mga anak.
Sinabi pa ni De Guzman na ligtas sa mga bata ang mga bakuna laban sa tigdas na available sa mga health centers sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.