Naghayag ng kahandaan ang US Federal Government na tumulong sa Bangladesh sa paghahabol Rizal Commercial Banking (RCBC) kaugnay sa naganap na cyber heists.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng US government na magbibigay sila ng technical assistance sa pamahalaan ng Bangladesh sa paghahabol sa $81 Million na deposito sa New York Federal Reserve na iligal na naipasok sa bansa sa pamamagitan ng RCBC.
Sa nasabing halaga ay $15 Million pa lamang ang nababawi ng Bangladesh ayon pa sa ulat.
Sa paunang imbestigasyon ay nagawa ng isang grupo ng mga hacker na makapagpada ng mga pinekeng dokumento sa New York branch ng US Central Bank naka nagawa ang nasabing iligal na online banking transaction.
Ang mga hackers ay sinasabing gumamit ng SWIFT global payment network sa kanilang hacking activities.
Lumalabas rin sa imbestigasyon ng federal government na naipasok ang nasabing malaking halaga ng pera sa ilang rehistradong casino sa bansa.
Noong Huwebes ay naghain na ang US District Court sa Manhattan ng mga kaso laban sa RCBC.
Tinawag naman ng Atty. Tai-Heng Cheng, abogado ng RCBC sa New York na walang basehan ang mga alegasyon sa RCBC.
Karamihan umano sa mga kinasuhan ay wala naman sa US kaya walang hurisdiksyon sa kaso ang alinmang hukuman sa nasabing bansa.