Mga balota para sa overseas absentee voting, uunahing iimprenta – Comelec
Unang iimprenta ang mga balota para sa overseas absentee voting kaugnay ng May 2019 elections ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa isang press conference, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang naturang mga balota ang unang iimprenta dahil iba ang hitsura ng mga ito.
Ang laman lamang anya ng overseas absentee voting ballots ay national candidates kaya madaling matatapos ang printing ng mga ito.
Magsisimula ang printing ng balota sa February 7 kung saan gagawin itong 24/7.
Inaasahang ang printing ng kabuuan ng mga balota ay matatapos umano sa kalagitnaan ng Abril.
Hindi naman na kasama ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa balota matapos nitong bawiin ang kanyang kandidatura kahapon (Feb. 1).
Magsisimula na rin ang campaign period para sa national candidates sa February 12 at tatagal hanggang May 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.