Prangkisa ng bus company na sangkot sa aksidente sa SCTEx, sususpendihin ng LTFRB

By Len Montaño February 02, 2019 - 03:36 AM

Sususpendihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng tourist bus company na sangkot sa malagim na aksidente sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) na ikinamatay ng 5 katao at ikinasugat ng mahigit 40.

Maglalabas ang LTFRB ng preventive suspension order laban sa Jumbo Transport Inc. matapos na sumalpok ang isa sa mga bus nito sa isang shipping container truck sa northbound lane ng SCTEx malapit sa Concepcion, Tarlac Huwebes ng umaga.

Una nang sinabi ng North Luzon Expressway Traffic Management na ang mga casualties ay mga pasahero ng bus, karamihan ay mga opisyal ng barangay mula Naic, Cavite na pupunta sa Baguio City.

Nabatid sa imbestigasyon ng LTFRB na ang naaksidenteng bus ay mayroong tourist bus franchise na may 10 units na inaprubahan noong July 5, 2016.

FB photo

Ang prangkisa, na may aprubadong ruta mula Las Piñas City sa anumang bahagi ng Luzon, ay nakatakdang mag-expire sa December 10, 2021.

Ayon pa sa ahensya, nakapaglabas na ang insurance company ng inisyal na tulong sa mga biktima na nagkakahalaga ng P400,000.

TAGS: franchise, Jumbo Transport Inc., ltfrb, North Luzon Expressway Traffic Management, prangkisa, preventive suspension, SCTEX, tourist bus, franchise, Jumbo Transport Inc., ltfrb, North Luzon Expressway Traffic Management, prangkisa, preventive suspension, SCTEX, tourist bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.