Pinoy, patay sa pananaksak sa Southern California

FB photo

Patay sa pananaksak ang isang Pilipino sa Southern California noong Lunes January 28, 2019.

Natagpuan ng patay ang 69 anyos na si Dante Bautista-Batimana sa bahay na ka-share nito sa isang roommate.

Ang bangkay ng biktima ay nakita ng hindi pinangalanang kasama nito sa kanilang bahay sa 21200 block of Trigger Lane.

Nakasaad sa Facebook ni Batimana na isa itong real state agent sa Diamond Bar.

Idineklarang patay ang biktima alas 3:12 ng hapon.

Ayon sa Los Angeles County Sheriff Department, nagtamo ang biktima ng multiple stab wounds sa itaas na bahagi ng katawan.

Sinabi ni Lt. Charles Calderaro na wala pa silang pagka-kilanlan ng suspek.

Read more...