Comelec nagbabala sa mga mambabatas sa pagpapatupad ng reenacted budget

By Rhommel Balasbas February 02, 2019 - 02:59 AM

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa implikasyon na maaaring idulot ng pagpapatupad ng reenacted budget ngayong 2019.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, bagamat kasama sa 2018 budget ang preparasyon para sa May 2019 elections, hindi naman kasama ang honoraria ng mga personnel na magtatrabaho sa mismong araw ng eleksyon.

Giit ni Jimenez, kakailanganin ng Comelec ang P3.2 bilyon para mabayaran ang election workers partikular ang mga guro.

Sa ilalim ng national expenditure program, may alokasyon lamang ang Comelec na P1.9 bilyon na kulang para bayaran ang election workers.

Dahil dito nanawagan si Jimenez sa Kongreso na ikonsidera ang isyu sa budget deliberations sa mga susunod na araw.

Ani Jimenez, malaki ang magiging epekto ng reenacted budget sa magiging kakayahan ng Comelec na magsagawa ng eleksyon lalo’t wala silang pagkukunan ng pondo para rito.

Nauna nang imungkahi ni Senate President Tito Sotto na i-withdraw ng Senado ang kanilang bersyon ng 2019 budget para mauwi na lamang sa reenacted budget.

Ito ay dahil sa dami ng kontrobersiya sa panukalang 2019 national budget partikular ang kwestyonableng budget insertions.

TAGS: 2019 budget, 2019 elections, 2019 May elections, 2019 mid-term elections, budget deliberations, comelec, Comelec spokesman James Jimenez, election workers, guro, mid term elections, reenacted budget, 2019 budget, 2019 elections, 2019 May elections, 2019 mid-term elections, budget deliberations, comelec, Comelec spokesman James Jimenez, election workers, guro, mid term elections, reenacted budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.