Sa naturang araw, pormal na itatalaga ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Sto. Niño de Tondo Parish bilang isang ‘Archdiocesan Shrine’.
Kasabay ng espesyal na araw ay isang prusisyon sana sa karangalan ng Sto. Niño ang gaganapin bago ang misa sa ika-6:00 ng gabi.
Gayunman, sa pahayag ng parokya sa kanilang Facebook page, sinabing kakanselahin ang prusisyon dahil sa banta sa seguridad.
Ito ay matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral noong Linggo.
Ang kanselasyon ay resulta ng pulong ng church officials, Manila Police District at government agencies.
Sinabi pa ng Sto. Niño de Tondo Parish na ang magiging focus ng pagbabantay ng mga pulis ay ang mismong simbahan.
Inaasahang dadagsa ang libu-libong deboto sa misa ni Tagle at ipinayo ng parokya na huwag magdala ng bag ang mga dadalo.
Hinihingi ng Simbahan ng Tondo ang pang-unawa at pakikiisa ng mga deboto para sa maayos at mapayapang pagdiriwang ng pagkakatalaga sa simbahan bilang isang dambana.