Mga kandidatong eepal sa Panagbenga Festival, binalaan
Pinaalalahanan ni Baguo City Mayor Mauricio Domogan ang mga kandidato sa May elections na iwasan ang paggawa ng eksena sa Panagbenga Festival.
Nagsimula na ang Panagbenga Festival kahapon (Feb. 1) sa pamamagitan ng isang street dancing parade.
Ayon kay Domogan, nais nila ang presensya ng mga kandidato sa dalawang major parades ng festival ngunit kailangang sumunod ang mga ito sa mga alituntunin.
Upang matiyak ang kaayusan ng dinarayong festival, sinabi ng alkalde na bawal makipag-kamay ang mga kandidato sa publiko at mamahagi ng kanilang campaign materials.
Ayaw ni Baguio Country Club at Panagbenga organizing committee co-chairman Anthony de Leon na maulit ang mga insidente ng pagsali ng mga kandidato sa parada habang ang kanilang supporters ay namamahagi naman ng campaign materials.
Nahinto anya kasi ang parada ng makihalubilo sa publiko ang ilang mga kandidato.
Samantala, magaganap ang grand street dancing parade sa March 2 habang ang grand float parade naman ay sa March 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.