BIR naglabas ng pinasimpleng ITR form para sa mga self-employed

Habang papalapit ng paghahain ng income tax return (ITR), naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mas simpleng form para sa mga self-employed at professional.

Ang bagong ITR form, na ngayon ay 2 pahina na lamang mula sa 12 pahina, ay pwede na ring i-file online.

Layon ng hakbang ng BIR na mabawasan ang hirap ng self-employed at professional at mayroong freelance work sa paghahain ng ITR.

Ito ay nakapaloob sa Revenue Memorandum Circular No. 17-2019 kung saan nakasaad ang bagong BIR Form No. 1701A o ang Annual Income Tax Return for Individuals Earning Purely from Business/Profession.

Ang indibidwal na may kitang P3 milyon o mas mababa ay kailangan lamang mag fill out ng 2-pahinang form habang 4-pahina para sa may kitang mahigit P3 milyon kada taon.

Dagdag ng BIR, pwede ang online filing ng bagong ITR form kung wala ng payables o dapat pang bayaran sa ahensya.

Ang paghahain ng ITR ay sa mismong araw o bago ang April 15, 2019.

Read more...