Tiniyak ni Senate President Franklin Drilon na bibigyang prayoridad pa rin ng Senado ang Bangsamoro Basic Law.
Ito ay kahit na nakatakda nang talakayin bukas ng Senado ang pambansang budget para sa susunod na taon na aabot sa mahigit tatlong trilyong piso.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Drilon na bukod sa BBL, bibigyang prayoridad din ng senado na maipasa ngayong taon ang Salary Standardization Law o ang panukalang umento sa sahod sa mga mangagagawa sa gobyerno.
Gayunman, aminado si Drilon na isa sa mga nagiging balakid ngayon ng Senado ang kawalan ng quorum dahil marami sa mga senador ang kakandidato sa 2016 elections at abala sa kani-kanilang pangangampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.