2 arestado sa Oplan Galugad sa Pasay City

By Rhommel Balasbas February 02, 2019 - 01:54 AM

Credit: Pasay Police

Dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang Oplan Galugad sa Pasay City.

Unang naaresto si Algie Cortez, 19 anyos sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City.

Umihi si Cortez sa pampublikong lugar na paglabag sa city ordinance at nakuhaan din ito ng swiss knife na ipinagbabawal sa ilalim ng Batas Pambansa 6 o illegal possession of bladed weapons kaugnay ng Omnibus Election Code.

Sa Barangay 181 naman, arestado ang isa pang lalaki dahil naman sa iligal na droga.

Credit: Pasay Police

Kinilala itong si Limuel dela Peña, 18 anyos at naaktuhan mismo ng mga pulis na nagbebenta ng droga.

Nakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ngayon si dela Peña sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Omnibus election code, Oplan Galugad, Pasay City, shabu, swiss knife, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Omnibus election code, Oplan Galugad, Pasay City, shabu, swiss knife

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.