Mexico, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa southern state ng Mexico na Chiapas Biyernes ng gabi.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naramdaman ang lindol hanggang El Salvador.

Ayon sa emergency services sa Chiapas, wala pang ulat ukol sa agarang pinsala ng pagyanig.

Ang epicenter ng lindol ay nasa 42 miles o 68 kilometers malapit sa Pacific coast at border ng Mexico at Guatemala.

Sa ngayon ay wala pang report ang mga otoridad ng major damage sa Mexico City.

Pero ilang katao ang lumikas mula sa mga gusali.

Read more...