Mga Pinoy fans, nagkagulo sa pagdating ng Blackpink sa bansa

By Len Montaño February 02, 2019 - 01:10 AM

Nagkagulo ang mga Filipino fans ng Korean girl group na Blackpink sa pagdating nila sa bansa Biyernes ng gabi.

Dakong 10:00 ng gabi nang dumating ang Blackpink sa Ninoy Aquino Aquino International Airport (NAIA) pero sa ibang exit sila dumaan dahil sa gulo ng kanilang mga fans na naghintay sa parking lot.

Sa social media ay hindi itinago ng mga netizens ang kanilang pagka-dismaya sa umano’y kawalan ng disiplina ng mga fans.

Nahirapan ang airport security sa pagharang sa mga fans sa arrival area kung saan sana daraan ang mga miyembro ng naturang Kpop group.

Ilang fans ang nagmakaawa sa mga tao na kumalma at huwag magtakbuhan.

Mapapanood sa mga video ang sigawan, tulakan at pagsampa ng mga fans sa mga sasakyan para makita ang Blackpink.

Narito ang Twitter videos ng mga netizens na may account names @lalaliyaa at @quiambaoangelu.

TAGS: BLACKPINK, Blackpink in Manila, BLACKPINKinMANILA, NAIA, BLACKPINK, Blackpink in Manila, BLACKPINKinMANILA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.