Dating opisyal ng barangay sa Zambales tinambangan, sugatan

By Jan Escosio February 01, 2019 - 07:28 PM

Nasugatan ang isang dating opisyal ng barangay sa pananambang sa kanya sa Subic, Zambales.

Inoobserbahan ngayon sa Baypointe Hospital ang 46-anyos na si Bernard Madamba, dating kagawad sa Barangay Wawandue.

Sinabi ni Police Chief Inspector Jude Bryan Maguddayao, hepe ng pulisya ng bayan, minamaneho ni Madamba ang kanyang tricycle sa Barangay Cawag nang harangin siya ng isang asul na Toyota Innova na walang plaka.

Kasunod nito ay bumaba ang mga hindi nakilalang salarin at binaril si Madamba ng dalawang ulit, samantalang nagtago at hindi naman nadamay ang tatlong pasahero ng biktima.

Tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng bayan ng Castillejos.

Hindi pa alam ang motibo sa pagtatangka sa buhay ng dating barangay kagawad.

TAGS: ambush, Radyo Inquirer, Subic, zambales, ambush, Radyo Inquirer, Subic, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.