Mag-asawang Indonesian nasa likod ng pagsabog sa Jolo Cathedral – Año
Kinumpirma ni Interior Sec. Eduardo Año na mag-asawang Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral,
Sa panayam kay Año sa dinaluhang event sa Palo, Leyte sinabi ni Año na Indonesian bombers ang nagpasabog at may gabay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf group.
Naroroon din aniya sa lugar ang mga miyembro ng ASG at inasistihan pa ang mag-asawa nang dumating sa simbahan.
“Ang talagang nagpasabog dun ay Indonesian suicide bombers. Pero ‘yung mga Abu Sayyaf ang nag-guide sa kanila, nag-aral ng target, nag-reconnaissance, surveillance at inihatid ‘yung mag-asawa doon sa loob ng simbahan,” sinabi ni Año.
Magugunitang binanggit din ng pangulo na mag-asawa ang nagpasabog sa naturang simbahan noong January 27.
Umabot na sa 22 ang nasawi sa nasabing pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.