Magkapatid patay sa sunog sa Caloocan, 1 pa nilang kapatid kritikal

Pumanaw na ang magkapatid na kabilang sa tatlong mga bata na nasugatan sa sunog sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Cerdric James Valeros, 8 taon at kapatid niyang si Chloe Valero, 6 na taong gulang.

H0=abang ang isa pa nilang kapatid na si Alexandra, 4 na taon ay kritikal pa rin ang kondisyon.

Nasunog ang bahay ng pamilya valeros kaninang madaling araw sa Barangay Bagong Barrio.

Naiwan umanong natutulog sa kwarto ang magkakapatid ng sumiklab ang apoy.

Ayon sa kagawad ng barangay sa lugar, umalis ang ama ng mga bata para bumili ng pagkain at ikinandado ang pintuan ng bahay sa labas.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection sa Caloocan ay nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya dahil sa napabayaang nakasinding kandila.

Read more...