Bilang ng mga Pinoy na may deposit accounts dumarami
By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2019 - 05:48 PM
Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagbubukas ng bang account.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat ng 6.8 percent ang bilang ng deposit accounts sa bansa.
Mula kasi sa 53.5 million accounts noong 2016 ay umakyat pa ito sa 57.1 million noong 2017.
Ayon sa BSP, bunga ito ng patuloy na paghikayat nila sa publiko na magbukas ng deposit account sa mga bangko.
Bumaba din ang bilang ng mga unbanked local government units mula sa 582 noong 2016 ay 554 na lang noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.