Misis ni Batocabe papalit sa kaniyang kandidatura sa Daraga

FB Photo

Kumpirmado nang ang misis ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang papalit sa kandidatura ng pinaslang na mambabatas.

Inanunsyo ni Gertie Duran-Batocabe sa kaniyang Facebook post na siya na ang sasabak sa eleksyon at papalit sa kandidatura ng kaniyang asawa bilang mayorsa Daraga.

Makikita rin sa Facebook post ang larawan kung saan itinataas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Ginang Batocabe.

Nagpasalamat din si Gertie Batocabe kay Pangulong Dutete sa paghikayat at pagtulong sa kaniya.

Read more...