Tatlong teenager patay sa pagsabog sa gawaan ng paputok sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2019 - 05:13 PM

Tatlong kabataan ang nasawi matapos ang pagsabog na naganap sa isang pabrika ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Supt. Amado Mendoza, Bocaue police chief, ang kapwa nasawi sina Isaac Paraiso at Jamil Roxas, parehong 15 anyos dahil sa matinding sunog sa katawan.

Ayon Naman kay Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, isa pang biktima ang pumanaw din sa ospital.

Ang tatlo ay kabilang sa limang teenagers na isinugod sa ospital matapos ang pagsabog sa isang abandonadong firecracker factory sa Barangay Lolomboy.

Binubuksan umano ng mga kabataan ang buko sa pamamagitan ng paghampas sa drum na mayroon palang laman na kemikal na ginagamit sa paggawa ng fountain.

Sinabi ni Mendoza na maaring maharap sa paglabag sa fire safety code ang may-ari ng pabrika dahil sa pag-abandona nito sa lugar at mga delikadong gamit.

TAGS: Bocaue Bulacan, Radyo Inquirer, Bocaue Bulacan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.