Lalaki, patay sa pamamaril sa Maynila

By Mariel Cruz November 22, 2015 - 12:41 PM

crime-scene-e1400865926320Patay matapos pagbabarilin ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng isang compound sa Quiapo, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, tama ng baril sa dibdib ang natamo ng biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at shorts.

Nakaposas pa ang mga kamay at may nakataling plastic sa leeg ng biktima nang matagpuan ito.

Ayon naman sa isang residente na nakakita sa pangyayari, binaril ng ilang beses ang biktima matapos makababa sa isang pulang kotse.

Natagpuan naman sa crime scene ng mga police forensic investigator ang apat na spent shells.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang naturang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at ng suspek.

TAGS: man shot dead in manila, man shot dead in manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.