Pang. Duterte sumama ang pakiramdam, hindi nakadalo sa Barangay Summit sa Tacloban City

Credit: MPC
Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makadalo sa Baranggay Summit on Peace and Order sa Tacloban City, Leyte.

Base sa abiso ng Malakanyang, masama ang pakiramdam ng pangulo kung kaya hindi nakapunta sa Tacloban.

Hindi naman ipinaliwanag ng Malakanyang kung anong karamdaman mayroon ngayon ang pangulo.

Alas 4:00 sana ng hapon, dadalo ang pangulo sa Barangay Summit on Peace and Order.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, normal lang sa pangulo ang sumama ang pakiramdam na nararanasan din naman ng kahit na sino.

Hindi naman aniya si Superman ang pangulo.

Ang pagkansela aniya sa event ng pangulo dahil sa hindi magandang pakiramdam nito ay hindi dapat maging dahilan ng pagkabahala.

“I don’t think that the President cancelling an event in Tacloban because he is not feeling well is a cause of concern. We should in fact commend the President for knowing when to cancel a trip and resting his body if he is not feeling his usual strong self,” ayon kay Panelo.

Read more...